3 patay sa nahulog na bus sa Leyte

By Justinne Punsalang May 23, 2018 - 02:51 AM

Nasawi ang tatlo katao, habang sugatan ang nasa 30 mga pasahero matapos mahulog sa tulay ang isang pampasaherong bus sa Barangay Buntay, Tanauan, Leyte pasado alas-12 ng hatinggabi ng Miyerkules.

Sa ngayon ay itinigil na ng Tanauan Police ang isinasagawang search and recue operations.

Batay sa paunang imbestigasyon, patungong Davao City ang Philtranco bus na nagmula pa sa Maynila.

Ayon sa nakaligtas na driver ng bus, inagaw umano ng isang lalaking pasahero ang manibela, dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa bus at mahulog sa tulay.

Ganito rin ang kwento ng mga nakaligtas na pasahero.

Sa ngayon ay inaalam ng mga otoridad ang tunay na bilang ng mga pasahero ng bus, maging ang sanhi ng aksidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.