LOOK: Ilang bahagi ng Metro Manila, Bulacan, Laguna at Cavite, mawawalan ng kuryente ngayong araw

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 22, 2018 - 07:52 AM

Maraming lugar sa Maynila, Pasig, QC, Bulacan, Laguna at Cavite ang mawawalan ng kuryente ngayong araw.

Sa abiso ng Meralco, sa Sta. Ana Maynila, may mga lansangan ang maapektuhan ng power interruption na magsisimula alas 8:30 ng umaga mamaya hanggang alas 3:30 ng hapon.

Ito ay dahil sa gagawing conversion ng Meralco sa kanilang 6.24 kilovolt electric circuit sa Sta. Ana patungo sa electric circuit sa Paco.

Sa Pasig City, mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ang power interruption sa Brgy. Pineda, Pasig City.

Maglilipat ng pasilidad ang Meralco dahil sa mga posting tatamaan ng DPWH BGC – Ortigas Link Road Project.

Sa Quezon City, ala 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon ang interruption sa Barangay Immaculate Conception dahil sa reconductoring ng linya ng Meralco.

Sa Bulacan naman, alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ang power interruption sa Sta. Maria Bulacan.

Maapektuhan ang mga lansangan sa Barangay Mag-asawang Sapa at Barangay Silangan.

Ito ay dahil sa pagpapalit naman ng poste ng Meralco sa nasabing barangay.

Sa Bay at Los Banos sa Laguna, may power interruption din mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon.

Maapektuhan nito ang Brgy. Sto. Domingo sa Bay at Brgy. Maahas sa Los Baños.

Ito ay dahil naman sa reconstruction ng facilities ng Meralco sa lugar.

Sa Tanza Cavite naman alas 10:00 ng umaga hanggang ala 1:00 ng hapon ang power interruption na makaaaapekto sa Barangay Biga dahil sa line reconstruction project sa loob ng Villa Tanza Subdivision.

At sa Imus City, mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Barangay Anabu II-F mula alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng umaga bukas dahil sa paglilipat ng pasilidad ng Meralco na maaapektuhan ng proyekto sa Gen. Emilio Aguinaldo Highway.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bulacan, cavite, laguna, manila, meralco, pasig, power interruption, quezon city, Radyo Inquirer, Bulacan, cavite, laguna, manila, meralco, pasig, power interruption, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.