Big time oil price hike ipatutupad ng mga oil companies bukas

By Den Macaranas May 21, 2018 - 04:14 PM SHARE(S):
Inquirer file photo

Magpapatupad ng panibagong big time oil price hike ang mga kumpanya ng langis simula bukas, araw ng Martes.

Aabot sa P1.60 kada litro ang dagdag sa presyo ng gasolina, sa diesel at P1.15 bawat litro samantalang P1.00 naman sa kerosene o gaas.

Alas-sais ng umaga bukas inaasahang ipatutupad ng panibagong dagdag presyo sa halaga ng petrolyo.

Nauna nang sinabi ng mga oil companies noong nakalipas na linggo na asahan na ang oil price increase dahil sa sinasabing paggalaw ng presyo ng petrolyo sa world market.

Noong nakalipas na linggo ay nagpatupad rin ng oil price increase ang mga oil companies para sa gasolina, diesel at gaas.

Simula noong buwan ng Enero ay ito ay umabot na sa P10 ang naidagdag sa halaga ng gasolina at diesel.

TAGS: diesel, DOE, gasoline, kerosene, oil price hike, diesel, DOE, gasoline, kerosene, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.