Live-in partner ng dating daughter in law ni Pangulong Duterte nagsisilbing fixer sa mga korte

By Chona Yu May 21, 2018 - 01:08 PM

Photo from an RTVM video

Binalaan ng Malakanyang ang publiko maging ang mga hukom hinggil sa ilegal na gawain ng kasalukuyang partner ng isang dating daughter ni law ni Pangulong Duterte.

Pawang hindi pinangalanan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang lalaki maging ang babae na tinukoy lang niyang “ex-wife ng presidential son”.

Ayon kay Roque, fixer o nag-aayos ng mga kaso sa korte ang nasabing lalaki at nagpapakilala pang kamag-anak ng pangulo.

Ang masaklap pa ayon kay Roque, ginagamit ng nasabing lalaki ang pangalan ng apo ni Pangulong Duterte.

Paglilinaw ni Roque, hindi kamag-anak ng pangulo ang nasabing lalaki at wala itong anomang relasyon sa presidente o sinoman sa first family.

Panawagan ni Roque sa mga hukom, mahistrado at iba pang nagtatrabaho sa sangay ng hudikatura, huwag i-entertain ang nasabing lalaki.

Hindi naman direktang pinangalanan ni Roque kung ang tinutukoy nito ay ang bagong kapartner ni Lovelie Somera na dating asawa ni Vice Mayor Paolo Duterte.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Harry Roque, paolo duterte, presidential son, Radyo Inquirer, Harry Roque, paolo duterte, presidential son, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.