1 bihag ng ASG sa Sulu pinalaya ayon sa AFP

By Mark Makalalad May 21, 2018 - 10:10 AM

Pinalaya na ng Abu Sayyaf Group ang isa sa mga natitirang bihag na hawak nila sa Sulu.

Kinumpirma ito ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, Commander ng Joint Task Force Sulu, Lunes ng umaga ay pinalaya ang isang bihag.

Hindi naman idinetalye ng opisyal ang naging pagpapalaya sa bihag pero kanyang sinabi na bahagi pa rin ito ng intense military operation sa Mindanao partikular na sa Sulu.

Matatandaan na noong nakaraang linggo lang ay pinalaya ng ASG ang 2 pulis na kanilang dinukot na sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: abu sayyaf group, AFP, ASG, Sulu, abu sayyaf group, AFP, ASG, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.