2 patay sa pagbangga ng isang sasakyan sa isang restaurant sa North Carolina

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 21, 2018 - 07:44 AM

Dalawa ang patay makaraang ibanggan ng isang lalaki ang minamaneho niyang sasakyan sa isang restaurant sa Bessemer City sa North Carolina sa Estados Unidos.

Ayon sa ulat ng Bessemer City police, sinadya ng lalaki na ibangga ang sasakyan sa Surf and Turf Lodge.

Maliban sa dalawang nasawi mayroon ding mga nasugatan matapos tumbukin ng sasakyan ang isang restaurant.

Malubhang nasugatan ang suspek na si Roger Self habang patay ang 26 anyos na anak nito na si Katelyn Tyler Self.

Ang isa pang nasawi ay isang hindi pa pinangalanang deputy sheriff ng Gaston County.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente upang matukoy kung ano ang motibo ni Self.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: BEssemer City, foreign, north carolina, Radyo Inquirer, US, BEssemer City, foreign, north carolina, Radyo Inquirer, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.