DOTr 27 araw nang walang naitatalang aberya sa biyahe ng MRT-3

By Jong Manlapaz May 21, 2018 - 07:13 AM

Ipinagmamalaki ng Department of Transportation (DOTr) – MRT-3 na sa loob ng 27 magkakasunod na araw ay wala silang naitatalang aberya ng tren.

Ayon sa MRT-3, 27 araw nang walang naitatalang insidente ng pagpapababa sa mga pasahero.

Sinabi ni Aly Narvaez ng MRT, ito na ang pinakamahabang magkakasunod na araw na walang naitatalang unloading incident ang MRT-3 simula pa noong 2011.

Umaasa ang pamunuan ng MRT na magtutuloy-tuloy ang ganitong magandang takbo ng mga tren ng MRT-3.

Samantala, as of 6:30AM ng Lunes, aabot sa 15 ang operational at tumatakbong tren.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dotr, mrt-3, Radyo Inquirer, dotr, mrt-3, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.