Palestinian president, muling dinala sa ospital

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 21, 2018 - 06:43 AM

Kinumpirma ng mga Palestinian officials na nasa ospital si Palestinian president Mahmoud Abbas.

Ito na ang ikatlong beses na naospital ang 82 anyos na lider sa loob lamang ng isang linggo.

Noong Martes, sumailalim sa operasyon sa tainga si Abbas at noong Sabado ay muli itong ibinalik ng ospital.

Kinumpirma naman ng isang opisyal na noong araw ng linggo ay ibinalik ulit ng pagamutan ang presidente dahil sa mataas nitong lagnat na posibleng kumplikasyon ng kaniyang operayson.

Posible umanong manatili doon ang presidente ngayong araw.

Sinabi naman ni Palestinian chief negotiator Saeb Erekat na nasa maayos na kondisyon ang pangulo makaraan niya itong bisitahin.

Magugunitang tumitindi ang tensyon sa pagitan ng Israeli at Palestinian troops.

Noong May 14, inatake ng tropa ng Israel ang Palestinian protesters sa Gaza border.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Mahmoud Abbas, Palestinian, President, Mahmoud Abbas, Palestinian, President

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.