Pinoy nurse sinaksak habang nakaduty sa ospital sa Saudi

By Justinne Punsalang May 21, 2018 - 01:53 AM SHARE(S):

Maayos na ang kundisyon ng isang Filipino nurse matapos itong pagsasaksakin habang naka-duty sa isang ospital sa Saudi Arabia.

Nakilala ang biktimang si Rolando Mina, 29 na taong gulang mula sa Caloocan City.

Ayon kay Consul General Edjar Badajos, naka-duty si Mina sa emergency room nang ito ay atakihin ng isang 22 taong gulang na Saudi national.

Hawak na ng mga otoridad ang suspek habang patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman ang motibo sa pag-atake.

Samantala, bumisita na ang Saudi Ministry of Health kay Mina at nagtalaga ng security guard para dito upang matiyak ang kanyang seguridad.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), magbibigay rin ang Saudi ng tulong pinansyal kay Mina.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.