Pinaslang na pari maraming karelasyon na dahilan ng pagkamatay nito — Pangulong Duterte

By Justinne Punsalang May 21, 2018 - 03:31 AM SHARE(S):

Isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na maraming mga naging karelasyon ang isang pinaslang na pari na posibleng dahilan sa kanyang kamatayan.

Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tabogon, Cebu ay ipinakita nito ang isang matrix na nagpapakita ng mga sinasabing walong babae na naging karelasyon ng isang pari.

Walang partikular na pangalan na ibinigay ang pangulo tungkol sa napagslang na pari, ngunit makikita sa hawak na matrix nito ang pangalan na Father Mark Anthony.

Kabilang sa mga sinasabing nakarelasyon nito ang asawa ng vice mayor, pulis, sundalo, at isang negosyante.

Ayon sa pangulo, isa sa mga asawa ng nakarelasyon ng pari ang posibleng dahilan kung bakit ito pinaslang.

Dagdag pa ng pangulo, walang kinalaman ang New People’s Army (NPA) maging ang pamahalaan sa pamamaslang kay Father Mark Anthony.

Hindi naman isiniwalat ni Pangulong Duterte kung saan niya nakuha ang nasabing matrix.

Samantala, magugunitang pinagbabaril ng riding in tandem si Father Mark Anthony Ventura matapos ang misa noong Abril sa Gattaran, Cagayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.