“Buhay pa ba si Loot?” — Pangulong Duterte

By Chona Yu May 20, 2018 - 11:21 PM SHARE(S):

Buhay pa ba si Loot?

Ito ang naging tanong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa town fiesta ng Tabogon, Cebu kung buhay pa si dating Police General at ngayo’y Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.

Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang, tinambangan ng mga armadong lalaki ang convoy ni Loot kung saan nasawi ang kanyang dalawang bodyguard.

Nakaligtas naman sa naturang pananambang si Loot.

Isa si Loot sa limang narco generals na pinangalanan ng pangulo na sangkot sa kalakaran iligal na droga.

Ayon sa pangulo, pursigido siyang tuldukan ang problema sa iligal na droga kung kaya hindi uubra sa kanya ang pagiging heneral ni Loot.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.