Pinagbagsakan ng flyover sa Imus, Cavite madadaanan na

By Justinne Punsalang May 20, 2018 - 02:02 PM

CALABARZON Police Photo

Passable na sa lahat ng uri ng mga sasakyan ang panulukan ng Aguinaldo Highway at Daang Hari Road kung saan bumagsak ang ginagawang flyover sa lugar.

Sa abiso na inilabas ng Imus City Police, alas-3:50 ng hapon nang tuluyan nang ma-clear ang mga debris ng gumuhong flyover.

Wala na ring mga nakaharang na bahagi ng gumuhong flyover at anumang hazard o panganib sa lugar.

Nauna nang sinabi ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi na gumuho ang gitnang bahagi ng ginagawang flyover sa kalagitnaan ng pagkakabit nito sa mga itinayong pundasyon.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.