Tapatang Pacquiao-Matthysse matutuloy

By Justinne Punsalang May 20, 2018 - 03:20 PM

AP Photo

Nilinaw ni Pambansang Kamao at Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang mga bali-balitang hindi na matutuloy ang kanyang laban kay Lucas Matthysse.

Sa isang pahayag, tinawag ni Pacman ang ulat ng TyC Sports sa Buenos Aires, Argentina na malisyoso at walang katotohanan.

Batay kasi sa ulat ng naturang broadcast channel, posibleng ipagpaliban ang tapatan ni Pacman at Matthysse dahil sa hindi pagkakasundo ng mga promoter at isang grupo na nakabase sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Tinawag pa ni Pacquiao ang mga nagpapakalat ng ugong-ugong na ito bilang mga ‘nananabotahe’ sa kanya.

Samantala, nagpasalamat pa ang Pambansang Kamao sa mga nagkakalat ng bali-balita sa pagpapaliban ng kanilang laban ni Matthysse. Aniya, mas napo-promote pa ang kanilang laban dahil sa mga lumalabas na chismis.

Maging ang kampo ni Matthysse ay itinanggi na ipagpapaliban ang kanilang laban ni Pacquiao.

Ayon sa manager ni Matthysse na si Mario Arano, walang problema sa kanilang nalalapit na tapatan ni Pacman na magaganap sa July 15 sa Axiata Arena, Kuala Lumpur, Malaysia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.