Miss Universe pageant sa Pilipinas ngayong taon, malabo na – DOT

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 18, 2018 - 05:54 PM SHARE(S):
Inquirer Photo | Grig Montegrande

Tinuldukan na ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang posibilidad na dito sa Pilipinas muli ganapin ang Miss Universe pageant ngayong taon.

Ayon kay Puyat, maliban sa kakatapos lang naman ganapin dito sa Pilipinas ang nasabing pageant, kapos aniya sa budget ang gobyerno para dito.

Hindi aniya sapat ang budget ng DOT para ilaan sa magarbong pageant na Miss Universe.

Mas mabuti ayon kay Puyat na sumentro na lang muna sa ibang bagay ang ahensya.

Maari pa rin naman aniyang sa ibang taon na lang ganapin muli ang Miss Universe sa Pilipinas.

Magugunitang noong January 30, 2017 nang ganapin sa bansa ang Miss Universe kung saan si Miss France Iris Mittenaere ang kinoronahan.

Ngayong taon, si Miss Universe Philippines Catriona Gray ang kakatawan sa Pilipinas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dot, Miss Universe Pageant, Radyo Inquirer, dot, Miss Universe Pageant, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.