2 drug suspects patay matapos manlaban sa buy-bust sa Laguna

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 18, 2018 - 09:57 AM

Inquirer file photo

Patay ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang manlaban sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Calamba City, Laguna, Biyernes ng madaling araw,

Ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, direktor ng Calabarzon police, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Calamba police sa loob ng Pamana Subdivision sa Barangay Bucal alas 12:35 ng madaling araw.

Sa kasagsagan ng transaksyon, agad nakatunog ang mga suspek na sina Raymond Angeles at alyas Anjo sa operasyon ng mga otoridad.

Pinaputulan nila ang mga pulis dahilan para gumanti ng putok ang mga ito na ikinasawi ng dalawa.

Nakuha mula sa mga suspek ang kalibre 38 baril at 13 sachet ng shabu.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: buy bust operation, calamba city, laguna, buy bust operation, calamba city, laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.