Kapapanalo lang na kagawad ng barangay patay sa pananambang sa Cebu

By Rohanisa Abbas May 18, 2018 - 09:51 AM

Tinambangan ng riding-in-tandem ang isang bagong halal na barangay kagawad sa Talisay City, Cebu.

Nasawi ang biktimang si Dinnes Ramos ng Barangay Bulacao sa bayan ng San Fernando.

Ayon kay PO2 Eerwin Oyao, nakatayo si Ramos sa tabi ng kanyang nakaparadang sasakyan sa labas ng isang hardware store nang siya ay pagbabarilin.

Sinabi ni Oyao na pag-aari ng pamilya ni Ramos ang hardware store.

Nasa loob naman nito ang kanyang asawa nang maganap ang insidente.

Naisugod pa sa ospital si Ramos ngunit binawian din ito ng buhay.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ambush, cebu, Radyo Inquirer, ambush, cebu, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.