WATCH: 74-anyos na lola patay matapos mabagsakan ng crane sa construction site sa QC

By Mark Makalalad May 18, 2018 - 07:56 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Patay ang isang matanda matapos tamaan ng crane sa construction site sa Old Balara, Quezon City.

Nabatid na nagwawalis lang ang senior citizen na nakilalang si Rosalinda Mendez, 74 taong gulang nang mabagsakan ng crane.

Sa lakas ng pagkakabagsak, nahati ang crane at kumalat sa lugar ang mga debris nito.

Ang crane ay ginagamit sa isang construction project ng Manila Water. Matapos ang insidente nag-alisan sa lugar ang mga manggagawa sa construction site.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

Ang crane ay ginagamit sa improvement project ng water concessionaire na Manila Water.

Galit na galit naman ang mga residente sa project manager ng Manila Water nang dumating ito sa lugar upang sila ay kausapin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: construction site, crane, old balara, quezon city, Radyo Inquirer, construction site, crane, old balara, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.