PNP tiniyak na pananatilihin ang peace and order sa paggunita ng Ramadan

By Mark Makalalad May 17, 2018 - 10:14 AM SHARE(S):

Aktibong magbabantay ang Philippine National Police sa pagpapanatili ng peace and order sa paggunita ng Ramadan.

Ito ang pagtitiyak ni PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao kasabay nang pagbati ng “peace and happiness” sa Muslim community sa kanilang pag-obserba ng okasyon.

Nanawagan naman si Bulalacao sa mga kapatid na Muslim na maging mapagmatyag sa panahong ito para hindi makapagsamantala ang mga may masamang balakin.

Kaniya ring hinikayat ang mga ito na iulat sa mga autoridad ang anumang kahinahinalang aktibidad sa kanilang kapaligiran.

Nagsimula na ang fasting, reflection at prayer ng buong Muslim community na tatagal ng isang buwan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: PNP, ramadan, Security and peace and order, PNP, ramadan, Security and peace and order

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.