Burgos, Surigao Del Norte niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 17, 2018 - 09:21 AM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Burgos, Surigao Del Norte.

Naitala ng Phivolcs ang lindol alas 6:55 ng umaga sa 46 kilometers North ng Burgos.

1 kilometer lang ang lalim ng lindol at tectonic ang pinagmulan.

Samantala, ang bayan ng Buldon sa lalawigan ng Maguindanao ay niyanig din ng magnitude 3.6 na lindol.

Naitala ang pagyanig sa 6 kilometers South ng Buldon alas 2:20 ng madaling araw.

Isang kilometro lang din ang lalim ng lindol.

Kapwa naman hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang pagyanig.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: earthquake, maguindanao, phivolcs, Radyo Inquirer, surigao del norte, earthquake, maguindanao, phivolcs, Radyo Inquirer, surigao del norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.