LOOK: 26,000 households sa Marikina at San Mateo, Rizal maaapektuhan ng service interruption ng Manila Water

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 17, 2018 - 07:48 AM SHARE(S):

Inabisuhan ng Manila Water ang mga residente sa nasa 26,000 kabahayan sa bayan ng San Mateo sa Rizal at sa Marikina City sa paghina hanggang sa pagkawala ng suplay ng tubig mula mamayang gabi hanggang bukas.

Ayon sa Manila Water, ang service interruption ay magsisimula alas-10:00 ng gabi ng Huwebes, May 17, hanggang alas-6:00 ng umaga ng May 18, araw ng Biyernes.

Kabilang sa mga apektado ang mga sumusunod na barangay:

SAN MATEO, RIZAL
– Ampid 1
– Ampid 2
– Banaba
– Burgos
– Dulong Bayan 1
– Dulong Bayan 2
– Guitnangbayan 1
– Guitnangbayan 2
– Guinayang
– Maly
– Sta. Ana

MARIKINA CITY
– Parang

Sinabi ng Manila Water na ang service interruption ay bunsod ng ikalawang bahagi ng paglilipat nila ng water supply mula sa East La Mesa treatment plant patungong southeast main line.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: manila water, Marikina, Radyo Inquirer, San Mateo Rizal, manila water, Marikina, Radyo Inquirer, San Mateo Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.