Commercial building sa Nueva Ecija tinupok ng apoy

Posted in: Featured, Latest News, Metro, National, Provincial

Commercial building sa Nueva Ecija tinupok ng apoy

Tinupok ng apoy ang isang commercial building sa bayan ng San Jose City sa Nueva Ecija.

Ayon kay Provincial Fire Marshall C/Insp. Roberto Miranda, nagsimula ang sunog Miyerkules (May 16) ng gabi sa Novo Building kung saan totally damage ang tatlong palapag na gusali.

Mayroon ding iba pang stalls at isang bahay na bahagyang napinsala sa sunog na nangyari sa Barangay F.E Marcos.

Ayon kay Miranda, base sa pahayag ng mga saksi, nagsimula ang apoy sa likurang bahagi ng gusali kung saan naroroon ang bodega.

Alas 11:00 ng gabi nang ganap na maapula ang apoy.

Wala namang nasaktan o nasugatan bunsod ng nasabing sunog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Leave a comment