Petisyon ni Sen. Trillanes kaugnay ng “Hacienda Binay” ibinasura ng SC

By Len Montaño May 17, 2018 - 01:21 AM

Pinagtibay ng Korte Suprema ang pagsasampa ng kaso ng isang negosyante laban kay Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay ng isyu ng “Hacienda Binay.”

Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Noel Tijam, ibinasura ng Supreme Court First Division ang petisyon ni Trillanes na baligtarin ang desisyon ng mababang korte sa kaso.

Una nang pinayagan ng korte sa Quezon City si Antonio Tiu na kasuhan ang senador dahil sa pagdawit sa kanya bilang dummy ni Dating Vice President Jejomar Binay sa pagbili ng 15-hectare property sa rosario, Batangas na tinaguriang “Hacienda Binay.”

Itinanggi ng negosyante na dummy siya ni Binay at iginiit nito na siya ang tunay na may-ari ng Batangas property.

Nakasaad sa desisyon ng Korte Suprema na ang pahayag ni Trillanes sa media ukol kay Tiu at sa Hacienda Binay ay hindi sakop ng parliamentary speech o debate privilege dahil ginawa ito ng walang sesyon, hearing o debate sa Kongreso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.