Pagpapalakas ng OSG pinalagan ng oposisyon sa Kamara

By Len Montaño May 17, 2018 - 02:13 AM

Binatikos ng oposisyon sa Kamara ang pag-apruba sa panukalang batas na layong palakasin ang Office of the Solicitor General sa pamamagitan ng pag-take over sa trabaho ng Presidential Commission on Good Government.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, sa pag-apruba sa House Bill 7376, binigyan si Solicitor General Jose Calida ng mas malalim at malawak na kapangyarihan.

Bukod anya sa mayabang na kapangyarihan ng SolGen sa quo warranto na nagtanggal sa Chief Justice ay niregaluhan pa ito ng dagdag na kapangyarihan dahil sa nasabing bill.

Sa botong 162-10, inaprubahan ng Kamara ang panukalang batas na nag-aabolish sa Office of the Government Counsel at PCGG na may tungkuling bawiin ang mga nakaw na yaman.

Sinabi naman ni Akbayan Party List Rep. Tom Villarin na senyales ang lumawak na kapangyarihan ng OSG ng umano’y harassment sa mga kalaban sa pulitika.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.