Pamamahagi ng medical kits tinutulan ng isang mambabatas

By Len Montaño May 16, 2018 - 11:01 PM

Tutol si House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexei Nograles sa plano ng Department of Health na mamahagi ng medical kits sa mga nabakunahan ng Dengvaxia vaccine.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Nograles na masyadong malaki ang pondo na 270 million pesos sa programa ng DOH dahil ang laman lamang naman ng mga medical kits ay thermometer, isang bote ng mosquito repellent at dalawang bote ng multi-vitamins.

Dagdag ni Nograles, sa hearing ay sinasabi ng mga magulang ng mga batang naturukan ng dengvaxia na hindi umano nabibigyan ng pansin ang kanilang medikal na pangangailangan gaya ng gastos sa ospital.

Dapat anyang may profiling ang DOH sa mga batang nabigyan ng dengvaxia para kung sila ay magkasakit ay mapagamot dahil may pondo naman mula sa sinauling pera ng Sanofi Pasteur.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.