Imbestigasyon sa pabahay para sa Zambonga siege victims nagsimula na

By Erwin Aguilon May 17, 2018 - 01:28 AM SHARE(S):

Sinimulan na ng House Committee on Housing and Urban Development ang imbestigasyon sa sinasabing maanomalyang pabahay para sa mga biktima ng Zambonga siege noong 2013.

Kabilang rin sa iniimbestigahan ang bumagsak na tulay kung saan nahulog sa maruming tubig sina Negros Representative Albee Benitez, Zamboanga Representative Celso Lobregat, at Zamboanga Mayor Beng Climaco.

Sa kanyang opening statement sinabi Benitez, chairman ng komite na ang nangyari sa kanila ay patunay lamang kung gaano kabigat ang hinaharap ng sektor ng pabahay.

Sinabi nito na maliban sa mga substandards na mga housing projects ay umaabot pa sa lima hanggang 6 na taon bago magkaroon ng basic services tulad ng ng ilaw at tubig.

Patunay naman ayon kay Climaco ang insidente na nag viral pa sa social media kung ano ang tunay na kalagayan ng mga housing project para sa Zamboanga seige victims.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.