Abdullah Mama-o itinalagang special envoy to Kuwait

By Rohanisa Abbas May 17, 2018 - 12:27 AM SHARE(S):

Nagtalaga na ng special envoy to Kuwait si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay si Presidential Adviser for Overseas Filipino Workers Concerns Abdullah Mama-o.

Si Mama-o ay kabilang sa delegasyong ipinadala ni Duterte para isapinal ang proteksyon sa OFWs sa Kuwait.

Magsisilbi siyang special envoy sa Gulf state hanggang October 31, 2018.

Matatandaang una nang nilagdaan ng Pilipinas at Kuwait ang isang memorandum of agreement para tiyakin ang proteksyon ng OFWs matapos ang lamat sa relasyon ng dalawang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.