GlobalPort wagi kontra NLEX sa PBA Commissioner’s Cup

By Justinne Punsalang May 17, 2018 - 12:15 AM SHARE(S):

Tinalo ng GlobalPort Batang Pier ang NLEX Road Warriors sa kanilang naging tapatan para sa 2018 PBA Commissioner’s Cup na ginanap kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Natapos ang laro sa iskor na 116-94, pabor sa Batang Pier.

Dahil dito ay naitala na ng GlobalPort ang kanilang ikatlong panalo, habang ito na ang ikaapat na talo ng Road Warriors.

Ayon sa head coach ng GlobalPort na si Pido Jarencio, maganda ang naging depensa ng kanilang koponan kaya nila nakamit ang panalo.

Nanguna para sa koponan si Sean Anthony matapos nitong maitala ang team-high na 21 puntos. Sinundan naman siya ni Malcolm White na nakapagbigay ng 20 points.

Samantala, para sa Road Warriors, si Kiefer Ravena ang nanguna sa kanyang 24 puntos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.