Semifinalist ng The Voice Kids 2 namatay dahil sa aksidente

By Justinne Punsalang May 17, 2018 - 12:08 AM SHARE(S):

Nagtamo ng severe traumatic brain injury ang semifinalist ng The Voice Kids Season 2 na si Christian Pasno, dahilan upang masawi ito.

Linggo ng gabi nang maaksidente ang 13 taong gulang na singer habang minamaneho ang isang motorsiklo sa Barangay Mabalanoy, sa San Juan, Batangas.

Batay sa ulat, namamasyal si Christian kasama ang isa niyang kaibigan na sakay rin ng isang motorsiklo nang maganap ang aksidente.

Ayon kay Senior Inspector Roy Cuevas ng San Juan Municipal Police, walang suot na helmet at walang headlight ang motorsiklo ni Christian.

Kaya naman nang mag-overtake ito sa motorsiklo ng kaibigan ay tumama ito sa isang tambak ng lupa sa madilim na bahagi ng lugar na hindi niya napansin, dahilan upang tumilapon ang binatilyong singer.

Miyembro si Christian ng Camp Kawayan, kung saan si Bamboo ang kanyang naging coach. Hanggang sa Battles Round lamang ng kompetisyon umabot si Christian.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.