5 arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila at Parañaque

By Justinne Punsalang May 17, 2018 - 12:57 AM

Limang mga drug suspects, kabilang ang dalawang lalaki na kabilang sa drug watch list ng mga otoridad ang arestado sa dalawang operasyon sa Maynila at Parañaque City.

Unang naaresto ang dalawang lalaki na kabilang sa drug watch list ng Abad Santos Police. Kasama rin nila ang isa pang babae.

Naaresto ang tatlo habang nagsasagawa ng anti-criminality operations ang mga otoridad sa Tondo, Maynila.

Narekober mula sa mga ito ang isang sachet ng shabu.

Samantala, isang sachet rin ng shabu ang nakuha ng Parañaque Police mula sa dalawang pedicab driver sa Barangay Tambo habang nagsasagawa naman ng Oplan Galugad.

Mahaharap ang limang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.