Pinagbitiw na DOJ official may kapalit na

By Isa Avedaño-Umali May 16, 2018 - 07:59 PM SHARE(S):

May itinalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte na kapalit sa pwesto ng nagbitiw na si DOJ Assistant Secretary Moslemen Macarambon.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, pero tumanggi siyang ihayag kung sino ang ipinalit sa pwesto ni Macarambon.

Aniya, ipinauubaya na niya sa Malacañang ang pag-aanunsyo ng bagong appointee sa DOJ.

Naniniwala rin si Guevarra na maituturing na termination o pagsibak sa pwesto ang sinapit ni Macarambon na nahaharap sa alegasyon ng katiwalian.

Isa si Macarambon sa dalawang assistant secretary na pinagbibitiw ni Pangulong Duterte.

Sa imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), si Macarambon ay madalas umanong pumapagitna para sa mga hinihinalang smuggler ng ginto at iba pang mga mamahaling alahas na nahaharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pinabulaanan naman ni Macarambon ang paratang at ipinaliwanag na hiniling lamang niya sa Bureau of Customs na ulitin ang computation sa buwis na dapat bayaran ng kanyang manugang para sa ginto at alahas na kanilang nabili sa halagang P7 Million.

TAGS: DOJ, duterte, gold smuggling, guevarra, macarambon, DOJ, duterte, gold smuggling, guevarra, macarambon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.