Holy month of Ramadan magsisimula na bukas

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 16, 2018 - 08:41 AM

Radyo Inquirer File Photo

Magsisimula na bukas araw ng Huwebes ang holy month of Ramadan para sa mga Muslim.

Sa nasabing panahon nagsasagawa ng sakripisyo ang mga Muslim sa pamamagitan ng pagpa-fasting.

Ayon sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) wala pang moon sighting kagabi kaya magsisimula na ang Ramadan bukas, araw ng Huwebes.

Samantala sinabi ni NCMF Bureau of Pilgrimage and Endowment chief Mito-on Ibra na umabot na sa 5,000 Filipino Muslims ang lumagda para lumahok sa hajj pilgrimage sa Agosto sa Saudi Arabia.

Mas mababa ito kumpara sa 6,000 na lumahok noong nakaraang taon.

Posible ayon kay Ibra na ang pagbaba ng bilang ay dahil sa nangyari sa Marawi dahil ang nasabing lungsod ang pinakamalaking source ng mga lumalahok sa pilgrimage.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Filipino-Muslims, Holy Month of Ramadan, Radyo Inquirer, Filipino-Muslims, Holy Month of Ramadan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.