Ellen Adarna kinasuhan ng paglabag sa Anti-Child Abuse Law

By Justinne Punsalang May 16, 2018 - 12:15 AM

Ellen Adarna Instagram

Naghain na ng kaso laban kay Ellen Adarna ang mga magulang ng dalagang inakusahan ng aktres na kinukuhanan siya ng litrato sa isang restaurant.

Sa panayam ng Inquirer kay Myra Santos ay kinumpirma nito na naghain na siya at kanyang asawa ng kasong paglabag sa Anti-Child Abuse Law at Anti-Cybercrime Law laban kay Ellen sa Pasig City Prosecutor’s Office.

Hindi naman ipinagbigay alam ni Santos ang iba pang detalye tungkol sa kaso.

Ayon sa kanilang abugado na si Arnold Labay, nililimitahan na ni Santos ang pakikipag-usap sa media upang hindi na maapektuhan pa ang kanyang 17 taong gulang na anak.

Ayon pa kay Labay, hindi pa malinaw kung babawiin ba ng mag-asawang Santos ang kaso sakaling mag-hain ng public apology ang aktres.

Matatandaang sa pamamagitan ng open letter ay sinubukan ng pamilya Santos na makausap si Ellen ngunit walang nilabas na reaksyon ang aktres.

Unang lumabas ang isyu matapos inakusahan ni Ellen ang dalaga na pasimple siyang kinukuhanan ng litrato habang nasa isang restaurant. Ngunit nilinaw ng dalaga na tanging ang kanyang pagkain ang kinukuhanan niya at sa katunayan ay hindi nito alam na naroon pala si Ellen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.