NU tinalo ang Gilas Pilipinas sa Chooks-to-Go Filoil Flying V Preseason Cup

By Justinne Punsalang May 16, 2018 - 12:03 AM SHARE(S):

Pinatalsik ng National University Bulldogs ang Gilas Pilipinas sa playoffs ng 2018 Chooks-to-Go Filoil Flying V Preseason Cup.

Wagi ang NU sa iskor na 86-81 matapos ang kanilang tapatan ng Gilas sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Ayon sa coach ng Bulldogs na si Jamike Jarin, nagma-mature na kada laro ang kanilang koponan na binubuo ng mga batang manlalaro.

Dahil sa pagkatalo ng Gilas Pilipinas ay hindi na sila makaka-arangkada pa sa liga matapos nilang magkaroon ng 1-5 win-loss record.

Pinangunahan ni John Lloyd Clemente ang Bulldogs sa pamamagitan ng 23 puntos. At sinundan siya ni John Galinato na nagbigay ng 20 points.

Samantala, para sa Gilas, si Kobe Paras ang nanguna sa kanyang 20 points.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.