DOT Asec. Ricky Alegre nagbitiw sa pwesto

By Len Montaño May 16, 2018 - 12:25 AM

Nagbitiw sa pwesto si Department of Tourism (DOT) Assistant Secretary Ricky Alegre dahil sa aniya’y mga pangyayari sa ahensya.

Sa kanyang resignation letter na may petsang May 15, 2018 at naka-address kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Alegre na nagbitiw siya upang bigyan ang pangulo at ang bagong talagang Tourism Secretary na si Bernadette Romulo-Puyat ng malayang desisyon kung sino ang papayagang magpatuloy ng serbisyo sa DOT.

Ayon kay Alegre, na naitalaga sa ahensya noong September 2016, sinubukan niyang magsilbi sa DOT sa abot kanyang kakayahan.

Pero dahil aniya sa mga nangyayari sa ahensya, naramdaman niyang kailangan na siyang magbitiw sa pwesto.

Ang resignation ni Alegre ay sa mismong araw na hiniling ni Puyat na magsumite ng courtesy resignation ang lahat ng undersecretaries at assistant secretaries ng ahensya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.