Hepe ng pulis sa Solana, Cagayan, nakaligtas sa pananambang

By Rohanisa Abbas May 15, 2018 - 12:44 PM

Nakaligtas sa pananambang ang hepe ng pulisya ng Solana, at kanyang mga kasamahan sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Cagayan police director Senior Supt. Warren Tolito, pinagbabaril ang mga pulis na pinangungunahan ni Senior Insp. Renz Baloran habang binabantayan ang mga ballot box na ibabyahe tungong munisipyo.

Agad naman umatras ang mga pulis at nagtago sa simbahan para makaligtas.

Naganap ang insidente sa Barangay Gadu dakong alas-2:00 ng madling araw. Nagpadala naman ang pulisya ng dagdag na tauhan sa lugar.

Wala namang nasugatan sa insidente.

Patuloy namang tinutugis ang mga suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ambush, Cagayan, Radyo Inquirer, solana, ambush, Cagayan, Radyo Inquirer, solana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.