Superman actress na si Margot Kidder pumanaw sa edad na 69

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 15, 2018 - 07:52 AM SHARE(S):
AP Photo

Pumanaw na ang aktres na si Margot Kidder na naging tanyag sa kaniyang role bilang Lois Lane sa serye ng “Superman” films noong 1970s at 1980s.

Edad 69 si Kidder nang pumanaw sa kaniyang tahanan sa Livingston, Montana sa Amerika ayon sa kaniyang manager na si Camilla Fluxman Pines.

Napanood si Kidder sa mahigit 70 pelikula at TV Shows kabilan ang “The Great Waldo Pepper,” “The Amityville Horror” at ang 2014 children’s TV series na “R.L. Stine’s The Haunting Hour,” kung saan siya nagwagi ng Emmy award.

Nagsimula sa kaniyang acting career si Kidder noong siya ay nasa edad 20 pa lamang at ginampanan ang role ng reporter na si Lois Lane sa “Superman” noong 1978.

Nagtweet naman ang DC Comics na nasa likod ng “superman” franchise at pinasalamatan si Kidder sa pagganap bilang Lois Lane.

Noong 1990, nasangkot si Kidder sa aksidente dahilan para hindi siya makapagtrabaho ng dalawang taon na nagresulta sa kaniyang pagka-bankrupt.

Makalipas ang anim na taon, napaulat na siya ay nagkaroon ng mental health breakdown at kalaunan, na-diagnose na mayroong bipolar disorder.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Lois Lane, Margot Kidder, Superman, Lois Lane, Margot Kidder, Superman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.