Sara Duterte, nagpakalbo, pagtakbo ng ama sa 2016 Elections ipinahiwatig

By Dona Dominguez-Cargullo October 14, 2015 - 01:14 PM

DUTERTENagpakalbo ang anak ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na si Sara Duterte.

Nag-post si Sara Duterte ng dalawang larawan sa kaniyang instagram account habang siya ay kinakalbo.

Ang nasabing larawan ay may caption na “Nagpaupaw na lang ko samtang naghulat #Duterte2016 #kalboparasapagbabago #NohairWecare bisan walay kwarta, bisan way makinarya, bisan mapidli #justDUit”.

Kung isasalin sa tagalog, sinabi ni Duterte na nagpakalbo siya habang naghihintay #Duterte2016 #kalboparasapagbabago #NohairWecare, kahit walang pera, kahit walang makinarya, kahit matalo #justDuit.

Ang nasabing post ni Sara Duterte ay umani agad ng mahigit 700 comments at 3,665 na likes sa kaniyang instagram account.

Marami sa mga nag-comment ang nagsabing tila pahiwatig ito na maari pa ring magbago ang isip ni Mayor Rodrigo Duterte at tatakbo pa rin sa 2016 presidential elections.

Marami rin sa mga IG followers ni Sara Duterte ang nabuhayan ng loob.

Sa kaniya namang official facebook page, nagpahiwatig din si Sara Duterte na may magaganap sa October 15, 2015 o bukas, araw ng huwebes.

Nag-post ng larawan ni Mayor Rodrigo Duterte si Sara na may nakasulat na “Bayan o Sarili 10-15-15” at mayroong caption na “The right time is near”.

TAGS: IndaySaraDuterte, IndaySaraDuterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.