Ilang manlalaro ng San Sebastian, iniwan na ang koponan

By Inquirer.net, Justinne Punsalang May 15, 2018 - 03:09 AM SHARE(S):

Hindi pa man nagsisimula ang ika-94 na season ng NCAA ay tila natalo na ang koponan ng San Sebastian.

Ito ay dahil sa pag-alis ng koponan ng kanilang ilang mga key players.

Kinumpirma ni Golden Stags coach Egay Macaraya sa panayam ng Inquirer na pito sa mga manlalaro ng koponan ang lumisan na.

Kabilang dito sina Alvin Baetiong, Jayson David, Alfren Gayosa, Renzo Navarro, at Justine Mercado. Maging ang dalawang miyembro ng Team B na sina Jerwyn Guinto at Mark Sangalang.

Sa ngayon ay nasa Lyceum na si Navarro att ayon sa mga source ay sa kaparehong koponan lilipat sina David at Guinto.

Si Gayosa naman ay nasa Arellano na at si Sangalang ay lumipat sa Letran.

Samantala, sina Baetiong at Mercado naman ay sumali sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

TAGS: NCAA, San Sebastian, NCAA, San Sebastian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.