Alexa Ilacad, nakapagtapos na ng high school

By Justinne Punsalang May 15, 2018 - 03:06 AM SHARE(S):

Proud at masayang ibiniahagi ng teen actress na si Alexa Ilacad na nakapagtapos na siya ng senior high school.

Sa isang Instagram post ay ikinwento ng aktress ang lahat ng kanyang pinagdaanan habang pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista.

Ayon ni Alexa, kapag mayroon siyang taping ay kinakailangan niyang lumiban sa pag-aaral ngunit hanggat kaya niya ay pumapasok pa rin siya.

Kwento pa nito, mayroong mga pagkakataon na kapag natatapos ang kanyang taping ng alas-5 ng umaga ay pumapasok pa rin siya ng alas-9 ng umaga.

Aminado ang aktres na may mga panahon na na-frustrate siya dahil tila hindi niya maintindihan ang mga itinuturo.

Dagdag pa nito, minsan ay umiiyak na lamang siya dahil hindi na niya makayanan ang pressure sa pag-aaral kasabay ng kanyang pag-aartista.

Kaya naman laking pasasalamat ni Alexa sa kanyang paaralan na pinapayagan siyang lumiban kapag may taping, sa kanyang mga naging kaibigan at kaklase, at sa kanyang pamilya na lagi siyang sinusuportahan.

Samantala, para naman sa ina ni Alexa, ang pagtatapos ng kanyang anak ang pinakamagandang regalo nito para sa kanya sa Mother’s Day.

TAGS: Alexa Ilacad, Graduation, Senior High School., Alexa Ilacad, Graduation, Senior High School.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.