Likurang bahagi ng Munisipyo ng Datu Unsay, binulabog ng pagsabog

By Mark Makalalad May 14, 2018 - 02:07 PM

Binulabog ng pagsabog ang likurang bahagi ng munisipyo ng Datu Unsay, Maguindanao kaninang umaga.

Sa impormasyon na ipinadala ni Col. Gerry Basana, Civil Military Operations ng 6th infantry division ng Philippine Army, isang M203 grenade launcher ang sumabog.

Sa kabutihang palad wala aniyang nasawi o nasugatan sa pagsabog.

Agad naman na tumakas ang mga salarin sa Baranggay Satan, Shariff Aguak, Maguindanao.

Patuloy ang pagtugis ng pinagsanib na pwersa ng military at pulis sa hindi pa nakikilalang mga supek.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa naturang pagpapasabog.

 

TAGS: bomba, Datu Unsay, maguindanao, pagsabog, bomba, Datu Unsay, maguindanao, pagsabog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.