Task group binuo para agarang malutas ang pananambang kay Daanbantayan Mayor Vicente Loot

By Rhommel Balasbas May 14, 2018 - 04:14 AM

Isang Special Investigation Task Group (SITG) ang binuo ng Policie Regional Office (PRO0-7 para agarang imbestigahan at malutas ang kaso ng pananambang kay Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot at pamilya nito.

Matatandaang tinambangan ng mga armadong lalaki ang alkalde umaga ng Linggo na nagresulta upang masugatan ang kanyang mga drayber, porter at yaya.

Ipinag-utos na rin ni PRO-7 director C/Supt. Robert Quenery sa Cebu Provincial Police Office ang pagbibigay ng karagdagang security personnel para sa pamilya ni Loot.

Matapos ang pananambang ay agad ipinatupad ang deployment ng quick reaction team ng militar at pulisya para sa follow-up operation at checkpoint laban sa mga suspek.

Samantala, tiniyak naman ni Quenery na ang insidenteng ito ay hindi makakaapekto sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.