Ex-PNoy sa Dengvaxia controversy: Sinisiraan lang ako ng mga kalaban ko sa pulitika

By Inquirer.net, Justinne Punsalang May 14, 2018 - 03:52 AM

Sinabi ni dating Pangulong Noynoy Aquino na sinisiraan lamang siya ng kanyang mga kalaban sa pulitika sa pamamagitan ng kontrobersiya sa Dengvaxia vaccine.

Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Aquino na marami sa kanyang mga kaalyado ang naniniwala na kaya lamang siya sinampahan ng mga kaso na may kaugnayan sa Dengvaxia controversy ay upang pigilan itong ma-organisa ang oposisyon.

Aniya pa, pare-pareho lamang ang basehan ng mga kasong isinampa at imbestigasyon laban sa kanya sa magkakaibang ahensya ng pamahalaan.

Kagaya na lamang aniya ng isinasasagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na nasa ilalim ng DOJ.

Matatandaang tatlong kaso na ang nakasampa ngayon sa Office of the Ombudsman laban kay Aquino at kanyang mga dating gabinete.

Kabilang dito ang isinampa ni dating TESDA pinuno Augusto Syjuco na kasong plunder at mass murder, kasong katiwalian na isinampa naman ng Gabriela Women’s Party, at pinakahuli ang pandarambong na isinampa ni Citizens Crime Watch head, Atty. Ferdinand Topacio.

Kasalukuyan ring kinakaharap ni Aquno ang reklamo sa Commission on Elections (COMELEC) tungkol sa alegasyong inilabas ang pondo para sa Dengvaxia sa panahon ng 2016 election ban.

Ngunit diin ni Aquino, hindi totoo ang mga nasabing alegasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.