Rain or Shine wagi kontra San Miguel Beer sa PBA Commissioner’s Cup

By Justinne Punsalang May 14, 2018 - 02:34 AM

Tinalo ng Rain or Shine Elasto Painters ang defending champion na San Miguel Beermen sa kanilang naging tapatan para sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Isang magandang bawi ito para sa koponan matapos silang matalo ng Columbian Dyip noong Miyerkules.

Natapos ang laro sa iskor na 121-115, pabor sa Elasto Painters.

Pinangunahan ng import na si Reggie Johnson ang koponan sa pamamagitan ng kanyang 27 points, 19 rebounds, 4 assists, at 2 blocks.

Ngunit hindi rin naman nagpahuli si Raymond Almazan na nakapagtala ng kanyang career-high na 25 puntos.

Samantala, para sa Beermen, si Arwind Santos ang nanguna sa kanyang 29 points.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.