Ama ni Aga Muhlach pumanaw na

By Justinne Punsalang May 13, 2018 - 08:30 PM SHARE(S):
AJ Muhlach

Namayapa na sa edad na 71 na taong gulang ang ama ni Aga Muhlach na si Alvaro “Cheng” Muhlach.

Batay sa ulat, kahapon, May 12 nang namatay habang natutulog sa ospital si Cheng sa pagitan ng alas-3 at alas-5 ng umaga. Ito ay matapos siyang makaranas ng cardiac arrest.

Lahat ng mga anak at kamag-anak ni Cheng ay nagpahayag ng kanilang kalungkutan sa pamamagitan ng social media. Ginamit rin ng mga ito ang social media upang alalahanin si Cheng habang ito ay nabubuhay pa.

Sa post ni Aga sa kanyang Instagram account, inanunsyo nito na ngayong araw nagsimula ang burol ni Cheng sa Chapel 2 at 3 ng Heritage Park sa Taguig.

Bukod kay Aga, ang iba pang mga anak ni Cheng ay sina Arlene, Almira, at AJ. Kapatid naman ni Cheng ang aktres na si Amalia Fuentes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.