Sitwasyon sa Boracay nananatiling maayos – PNP

By Chona Yu May 13, 2018 - 08:08 PM

Walang naitatalang untoward incident ang Philippine National Police (PNP) sa isla ng Boracay.

Ito ay habang sarado sa mga turista sa loob ng anim na buwan ang isla para bigyang daan ang rehabilitasyon nito.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PNP Spokesperson Chief Superintendent John Bulalacao na wala namang namomonitor ang PNP na mga pasaway.

Gayunman, aminado si Bulalacao na simula nang isara ang Boracay noong April 26, ilang mga turista ang nagreklamo ukol sa kanilang ginawang booking sa mga hotel at resort.

Pero agad din aniyang naayos ng regional director ng PNP Region 6 ang naturang problema.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.