Lalaki, binaril ng kapitbahay sa Tondo

By Ricky Brozas May 13, 2018 - 01:15 PM SHARE(S):

Dahil sa away-magkapitbahay ay binaril ng isang lalaki ang kanyang nakaalitan na kapitbahay sa Tondo, Manila.

Nangyari ang insidente 3:45 ng madaling, araw ng Linggo, sa Nepumuceno St., Barangay. 94, Zone 8, Tondo.

Sa report na nakarating sa Manila Police District (MPD), nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang biktimang si Albaro Clemente, 46-anyos, walang asawa, at ang suspek na si Jing Celeste sa hindi malaman na dahilan.

Sugatan sa pamamaril ang biktima na si Clemente na kaagad namang isinugod sa Tondo Medical Center.

Mabilis naman na tumakas ang suspek matapos isakatuparan ang pamamaril at ngayon ay pinaghahanap na ng mga otoridad.

TAGS: kapitbahay, Tondo, kapitbahay, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.