Pinuno ng La Union PDRRMO, nadiskubreng patay sa kanyang opisina

By Rohanisa Abbas May 13, 2018 - 12:46 PM SHARE(S):
Inquirer file photo

Natagpuang patay ang pinuno ng La Union Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa loob ng kanyang opisina sa San Fernando City.

Ayon kay Supt. John Guiagui, hepe ng pulisya ng lungsod, tama ng bala ang ikinasawi ni Atty. Bobby Valdriz.

Sinabi ni Guiagui na pumasok sa trabaho si Valdriz dakong alas-6:00 ng umaga. Makalipas ang isang oras, dito na nadiskubreng patay ang pinuno ng La Union PDRRMO.

Nakarinig din ng putok ng baril ang mga dumalo sa misa sa simbahan malapit sa opisina ni Valdriz.

Natagpuan sa opisina ni Valdriz ang isang kalibre .38 na baril.

TAGS: La Union PDRRMO, San Fernando City, La Union PDRRMO, San Fernando City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.