Radio blocktimer, patay sa pananambang sa Zamboanga del Norte

By Angellic Jordan May 12, 2018 - 04:48 PM

Inquirer file photo

Patay ang isang radio blocktimer matapos tambangan sa Labangan, Zamboanga del Norte.

Ayon kay provincial information officer Marive Jongco, napatay ang biktimang si Carlos Matas sa bahagi ng Barangay Luburan pasado 3:00, Sabado ng hapon.

Kinumpirma naman ng Labangan police ang naturang pagpatay ngunit hindi nagbigay ng karagdagang detalye.

Maliban sa pagiging radip blocktimer, nagsilbi ring coordinator si Matas ng isang grupo ng mga magsasaka sa Labangan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang kaso.

Samantala, ito na ang ikalawang kaso ng pananambang sa Matas ngayong linggo.

TAGS: ambush, Carlos Matas, Zamboanga del Norte., ambush, Carlos Matas, Zamboanga del Norte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.