WATCH: Rider patay, angkas sugatan sa aksidente sa Novaliches, Quezon City

By Justinne Punsalang May 11, 2018 - 04:03 PM

Dead on the spot ang isang rider, habang nasugatan naman ang angkas nito matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang jeepney sa Quirino Highway na sakop ng Barangay Gulod sa Novaliches, Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Mark Anthony Openiano, habang ang nasugatang biktima naman ay si Cristine Joy Angeles na agad namang isinugod sa ospital.

Base sa imbestigasyon, nag-overtake sa isa pang sasakyan ang jeep na minamaneho ni Dennis De Asis nang biglang sumulpot ang motorsiklong pinatatakbo naman ni Openiano. Hindi na nakaiwas ni De Asis sa motorsiklo, kaya nabangga nito ang motor.

Narito ang report ni Justinne Punsalang:

TAGS: aksidente, patay, quezon city, aksidente, patay, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.