Marching order ni Guevarra kay Bato: sugpuin ang droga sa Bilibid

By Rohanisa Abbas May 11, 2018 - 02:45 PM

Binigyan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Bureau of Corrections chief Ronald “Bato” dela Rosa ng marching orders matapos niyang manumpa ngayong araw.

Pinagigiba ni Guevarra kay Dela Rosa ang makinarya ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prisons.

Sinabi ni Guevarra na ito ang isa sa mga problema na pinatututukan sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa bagong hepe ng Bucor, magagawa niya aito kapag may mas malaking pondo ang ahensya sa bilangguan.

Paliwang ni Dela Rosa, kinakailangan niya ito para magpatupad ng mga reporma sa NBP. Halimbawa na aniya ang pagpapatayo ng mga bagong pasilidad sa bilangguan.

Tiniyak naman ni Guevarra na susuportahan ng DOJ ang Bucor.

 

TAGS: Bilibid, bucor, DOJ, iligal na droga, Menardo Guevarra, ronald dela rosa, Bilibid, bucor, DOJ, iligal na droga, Menardo Guevarra, ronald dela rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.